“Tuloy po ang kaso”: I’m proud of you tatay

Tuloy po ang kaso - Pinoy meme

Sa mga iba pang nagfi-feeling-feelingan diyan kagaya ni alyas Linda, hinay-hinay lang at baka mapa-Tulfo rin kayo.

Kung hindi lang nang dahil sa CCTV footage na nakaligtas kay manong Alex, ay malamang nasa kulungan na siya ngayon sa maling pagkakakusa ng harassment.

Ginulpi si manong ng mga tambay at ng pamilya ng nag freak-out na si alyas Linda dahil sa “feeling” niyang minanyak siya nito sa E-Jeep.

Dapat talaga ituloy ang kaso. Hindi biro yung magulpi ka ng taong bayan at maakusahan ng sexual harassment. Matanda na si tatay, kaya bawat suntok na natamo niya ay pwedeng ikapahamak ng sarili niyang buhay. Dapat umiral ang batas at tamang proseso sa kaso, hindi pwede yung dinadaan sa sorry sorry lang.

Ngayon, namulat ang mga mata ko na maari ngang marami pang kagaya ni tatay na naakusahan ng mali at ngayon ay nasa bilanguan, nagdudusa nang dahil sa maling paratang.

Kaya tay, tuloy mo lang ang kaso. Para rin yan sa mga taong pinaratangan ng kasinungalingan.

Facebook Comments