
1.) Ayaw niya umihi sa urinal
O di kaya ay sa bandang dulo siya iihi para matakpan niyang mabuti ang ari niya. Mahirap nang magkasilipan.
2.) Nakita mo siyang umaaligid-aligid Sa “Libreng Patuli” ng barangay niyo
Curious siya sa mga ganitong events at nagdadalawang isip siya kung magpapatuli na rin ba siya. Gusto muna niyang makita ang mga reaksyon ng mga bata na nagpapatuli.
3.) Hindi siya nakakarelate sa kwentuhan ng mga tuli experiences niyo
Minsan sa mga magkakabarkada, napapadpad ang usapan sa kung anu-ano at isa na doon ang karanasan natin sa pagpapatuli. Isa itong once in a lifetime experience sa pagtawid natin mula pagkabata patungo sa pagkabinata. Yung kaibigan mong hindi pa tuli, hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng pangangamatis kung kaya tahimik nalang siyang nakikinig sa inyo at may paismile-ismile pa at pakunwaring tawa para hindi siya mahalata.
4.) Saka na daw siya manliligaw kung kelan “ready” na daw siya
Sa tinagal-tagal ng samahan ng barkada niyo, kilala mo naman siya na hindi bakla. At marami namang babaeng nagkaka crush sa kanya. Pero bakit may pa ready-ready pa siyang nalalaman?
5.) Hindi siya natatawa sa mga Hindi-Pa-Tuli jokes
Hindi natin maiiwasan ang magkabiruan sa isang grupo ng magkakaibigan. Gusto natin pagtawanan ang mga bagay na ikinahihiya natin kung kaya’t minsan ay nagiging paksa ng biruan ang mga parte ng katawan din natin. Lalo na ang aring hindi pa tuli.
6.) Labag daw sa Karapatang Pantao ang pangtutuli
Medyo nagiging aktibista siya pag naririnig niya yung salitang “tuli”. Hindi raw makatao ang ganiton klaseng treatment lalo na sa mga bata na pinilit lang daw magulang.